1 part Complete Bakit may mga pagkakataong kapag nalaman mong mahal mo na pala ang isang tao saka naman humahadlang ang tadhana. At bakit sa dinadami ng panahon na pupwedeng dumating ang nararamdaman mo ay sa maling panahon pa. Hindi ba pupwedeng sa tamang panahon nalang at sa tamang tao? Hindi ba pupwedeng ngayon na yung tamang panahon na yun dahil alam mong siya na yung tamang tao para sa'yo? Kaso, tadhana ang kinakalaban mo. Kaya kahit anong gawin mo, tadhana rin ang magtatakda sa inyo kung kayo nga talaga ang nararapat para sa isa't isa.