"Malakas ka ba?" tanong niya sa akin. Ang unang salitang lumabas sa bibig niya matapos kong sabihin ang nararamdaman ko. "Hmm... Malakas ka ba talaga?" muli niyang tanong habang naglalakad, inihahatid ko siya sa kanila. "Pangmalakasan ba yang braso mo? Malakas ka ba?" tanong niya habang hawak-hawak ang braso ko. Magkatabi kami habang nanonood ng basketball game dahil intrams na. "Malakas ka ba?" tanong niya muli sa akin. Hinahatid ko uli siya sa kanila. Gabi na at hindi ko maintindihan kung anong mararamdaman ko dahil sa pauli-ulit niyang tanong sa akin. Kinabukasan, hindi siya pumasok. Gayundin sa sumunod na araw... at sa sunod pang araw... sa sumunod pang araw. Hanggang sa naging isang linggo. Tinawagan ko siya. Ngunit tanong ang muli niyang isinagot sa akin. "Malakas ka ba?" (Short-Story) Date Started: June 8, 2022 Date Finished: January 6, 2023
Più dettagli