Si Leo ay nagtatrabaho sa isang club, sanay na sa buhay sa ilalim ng mga kumikislap na linawanag ng gabi. Taglay niya ang isang lihim na pagkatao na itinatago sa likod ng kanyang mahinhing ngiti. At sa tuwing siya ay nasayaw sa kislap ng mga bituin, isang pares ng mata ang siyang nagniningning sa kalungkutan. Hanggang sa makilala niya ang naging dahilan ng muling pagkulay ng kaniyang buhay. Si Enrico ay isang mayamang lalaki, lumaki sa marangyang mundo ng mayayaman. Nang magkrus ang kanilang mga landas sa isang gabi, isang di-inaasahang koneksyon ang nabuo sa pagitan nila. Habang lumalalim ang kanilang ugnayan at kailangang harapin nila ang mga pagkakaiba sa kanilang mga mundo. Sa ilalim ng mga neon na ilaw, kung saan nagtatago ang mga anino at lihim, mapapatunayan ba ng pag-ibig na kaya nitong pagtagpuin ang dalawang magkaibang buhay, o mananatili na lamang itong isang alaala ng gabing nagdaan?All Rights Reserved
1 part