John Benedict Dankworth ang isang sikat at successful na business man sa Pilipinas. Dugo't pawis niya ang kaniyang inilaan sa pagpapatayo ng sariling kumpanya. Mga nakaraan na sa wakas ay kaniyang nalagpasan, ngayon ay binakuran niya ang puso niyang ayaw ng masaktan. Akala niya ay tatanda siya ng binata dahil trenta na siya pero wala padin siyang nararamdaman na pag-ibig, totoo nga ba ang pag-ibig? ayaw naman niyang umasa na makakaramdam siya nito. Dahil ang alam niya sa sarili niya ay isa na siyang manhid na tao. Salamat sa mga taong minsna niyang pinagkatiwalaan at minahal, ngayon ay naging matigas ang puso at palaging nakatago ang tunay na nararamdaman. Sampung taon na siyang manhid pero lahat ay magbabago simula ng makilala niya ang isang dalaga. Giana Cristine Lopez babaeng mahilig sa gwapo, isang dalaga na mahilig mag pogi hunting. Mas gugustuhin niya daw maging single dahil alam niyang gago ang mga lalaki. Kaya hanggang pag-hanga nalang daw siya at hindi siya iibig. Isang masipag na dalaga, mas inuuna ang pamilya kaysa sa sarili niya. Ang problema niyang matagal niya ng pasanin ay sana ay malutasan na. Ayaw niya pang magmahal, unahin niya na muna ang pamilya niya. Pero hindi niya akalain na may isang binata ang mababaliw sa kaniya. Hindi naman daw siya kagandahan, pero bakit ayaw siyang lubayan ng gwapong lalaking ito?