Do you believe na ang kaibigan ay dapat na manatiling kaibigan lang? What if natagpuan mo na lang ang iyong sarili na nahuhumaling sa kanyang mga ngiti? Hinahanap-hanap ang kanyang malamig at malalim na boses na tila naging musika sa iyong pandinig. Tila nakabuo ka ng isang mundo na tanging kayo lang dalawa ang magkasama ng masaya at hindi alintana ang sasabihin ng iba. Pero paano kung kailan handa ka nang umamin sa iyong nararamdaman ay bigla na lang siyang naglaho na parang bula? Bakit ka kasi nagkagusto sa dapat ay kaibigan lang? "I liked him so I let go." "I hope he finds more reason to live and smile. I want him to be happy, even if that means removing me from his story." "I know you will be fine without me. Take care, MY ALMOST."