Lumuwas sa Maynila si Astoria para puntahan ang kaniyang nobyo na si Hael, tatlong buwan na kasi itong walang paramdam sa kaniya. Ngunit nabigla at nagulat siya sa kaniyang nadatnan. Ang kaniyang nobyo ay magkakaroon na ng anak sa ibang babae. Kaya ng ito ay makipaghiwalay ay hindi na siya tumutol pa. Ayaw niyang ipagkait sa magiging anak nito ang isang kompletong pamilya. Sa paglipas ng maraming taon, ang kanilang mga landas ay muling pagtatagpuin. Muling guguluhin ni Hael ang tahimik na buhay ni Astoria, dahil sa lumipas na panahon ay lihim pa rin niyang minamahal ang kaniyang dating kasintahan. Si Hael pa kaya ang minamahal ni Astoria? TheKnightQueen 🍀