"Isang gabi lang daw. Pero bakit may sekreto akong kailangang itago habang buhay?" Isang gabing puno ng alak at luha ang naglapit kay Ara Villoria, isang babaeng sugatan sa pag-ibig, at kay Calix Montenegro, ang pinakabatang bilyonaryo sa bansa. Walang pangalan. Walang pangako. Isang gabi lang-para makalimot. Pero nang magising si Ara kinaumagahan, naglaho ang lalaki... At ilang linggo matapos noon, natuklasan niyang may dalang bunga ang gabing iyon-isang anak na kailangang itago sa ama nito. Pagkalipas ng ilang taon, muling magtatagpo ang kanilang mga landas. Isang lihim ang mabubunyag. At isang tanong ang kailangang sagutin- Hanggang kailan mo kayang itago ang anak niyo?
Mais detalhes