Tuwing titingala ako, saan mang sulok ng mundo, iisa lamang ang sumasalubong sa akin: ang kalangitan at ang ulap. Nakakatuwang isipin na kahit saan man ako mapunta, pare-pareho lang ang nakikita ko-ang walang hanggang panganorin.
Ngunit sa bawat pagtingala, napapaisip ako: Darating kaya ang araw na may taong titingala sa akin? Makakaya ko kaya maging kasing halaga ng langit na ito, na kahit saan mapadako ang mga mata, ako'y mapapansin?
Habang naglalakbay ako sa iba't ibang lugar at nakikisalamuha sa iba't ibang tao, dala ko ang tanong na ito. Hinahanap ko ang kasagutan, ngunit higit pa rito, hinahanap ko rin ang aking sarili. May puwang ba ako sa mundong ito?
O, isa lang akong pangkaraniwang ulap na lumilipas?
High school pa lang ay academic rival na ang turing ni Dylan kay Yno, ang taong hadlang sa mga inaasam niyang academic achievements. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya ito kayang lamangan. Hanggang sa tuluyan na nga silang gumraduate at nagcollege. Mabuti nalang at hindi na sila pareho ng pinapasukang university. Finally their rivalry had come to an end.
Ngunit nang dahil sa SK Election, muli na namang umusbong ang rivalry na unti-unti na sana niyang kinalimutan. Ngayon, makikipagtuos ulit siya sa lalaking matagal na niyang sinusubukang pataubin- only this time, fate won't let it happen without a twist.