Si Maria Eleanor ay lumaki sa isang marangal at marangyang angkan, bilang tanging anak na babae at bunsong supling ng pamilyang Takahashi.
Ang pamilyang Takahashi ay kilala bilang may mataas na katayuang politikal at taglay ang isa sa pinakamalalaking negosyo sa San Felipe Neri. Kabilang din sa mga tanyag na pamilya sa lugar ang pamilyang Suarrez, na malapit sa kanila sa maraming bagay.
Sa kabilang banda, naroon ang maginoo at iginagalang na Heneral Sebastian Matias Suarrez, isang taong may mataas na posisyon at lubos na nirerespeto sa lipunan. Siya'y matalik na kababata at kaibigan ng nakatatandang kapatid ni Eleanor, si Hiroshi Takahashi, pati na rin ni Nikolas Moreno.
Matagal nang lihim na may pagtingin si Matias kay Maria Eleanor, subalit ang dalaga'y tila walang pagnanasa sa kanya, sapagkat ang kanyang puso ay nakalaan na sa iba, kay Nikolas Moreno, na anak ng isa sa mga trabahador sa hacienda ng pamilyang Takahashi, at kaibigan ng kanyang kapatid na si Hiroshi at ni Matias.
Magkababata ang tatlong sina Nikolas, Hiroshi, at Matias. Subalit paano kaya kung matuklasan ni Matias, na matagal nang nagtatangi ng damdamin para kay Eleanor, na ang dalaga'y may kasintahan na? At higit pang masaklap, ito'y walang iba kundi ang kanyang matalik na kaibigan...
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as you read this work. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.