Paano kung iniwan ka niya noon? Labis-labis kang nagmakaawa sa kanya na wag kang iwan ngunit iniwan ka pa rin niya. Tiniis mo ang sakit at ipinagpatuloy ang buhay na wala siya. Kinaya mo ang hirap makalimutan lang ang nararamdaman mo sa kanya. Ngunit paano kung bigla siyang bumalik sayo pagkalipas ng ilang taon? Paano kung biglang manumbalik sayo ang lahat ng nararamdaman mo sa kanya noon? Sakit. Hinanakit. Galit. Pagmamahal? Hanggang saan aabot ang pagmamahal mo sa taong iniwan ka at babalik sa paraang parang wala lang ang lahat? Makakaya mo bang tanggapin siya ulit? O ipagtutulakan mo siya dahil natrauma ka na nung iwan ka niya?
More details