Si Stella ay isang labingpitong taong gulang na naglalakbay sa Crystalia upang matuklasan ang kaniyang pagkatao at pamilya. Siya ay lumaking hindi kilala ang kaniyang tunay na pamilya. Isang liham at kwintas na hugis bituin ang tanging naiwan sa kaniya ng kaniyang ama at ina. Si Betina at si Elicia, ang mag-inang may mabuting puso, ang kumupkop kay Stella. Nakatira lamang sila sa isang maliit na bahay ngunit sila ay masaya. Sa kasamaang palad, nagkaroon ng malawakang digmaan sa pagitan ng Kaharian ng Aurora at mga Magicians. Napatay si Betina ng isang Magician na may suot na itim na maskarang may puting guhit. Habang nagkahiwalay naman sina Stella at Elicia. Dito nagsimulang maglakbay si Stella at pumasok siya sa isang tanyag na Magician's Family, ang Polygian.