Si Ca-nei ay nagiisang anak ng mga Villoria, sya ay labing limang taong gulang nanggaling sya sa isang marangyang pamumuhay kung saan lahat ng gusto nya ay kanyang nakukuha. Siya ay nakakilala ng mga kaibigan na kanyang nagustuhan, dalawang lalaking parehas nyang natipuhan, ngunit lahat ng yun ay naiba sa isang iglap dahil sa kanyang matinding sinapit na hinding hindi nya makakalimutan. Hindi nya alam na habang nagugustuhan nya ang dalawang lalaking kanyang kaibigan ay palihim rin silang nagkakagusto sa kanya. Ano nga ba ang gagawin nya?, sino ang pipiliin nya?. Ang kanyang unang nakilala dahil sa aksidente o ang lalaking tumulong sa kanya sa pagsubok na kanyang kinaharap sa loob ng matagal na panahon. Sama sama natin itong tunghayan sa bawat kabanata ng kwento ng buhay ni Nerica Renei Villoria.