Sa ating kwento,
ako'y iyong ginusto.
Ngunit sa laban ng pag-ibig,
ako'y iniwan mo.
Sa mga sandaling puno
ng pag-asa at pangarap,
Bakit di mo ipinaglaban
ang ating hinaharap?
Sa bawat ngiti mo,
ako'y nahuhulog,
Sa bawat haplos mo'y
parang nais kong matulog.
Sa mga titig mong puno
ng pangako,
Sa mga kataga mong
magiging tayo hanggang dulo.
Ngunit sa likod pala ng iyong mga salita,
pagdadalawang isip namumutawi.
May takot na nagtatago,
may pangambang nakabilanggo.
Tila ba ang puso mo'y nahahati,
Sa pagitan ng pag-ibig at pagkatuliro,
Kung ipagpalatuloy ba
o ihihinto.
Sabi mo
ako'y mahal mo,
ngunit natatakot kang
gampanan ito.
Nais mo akong yakapin,
ngunit sa iyo ay parang
may pumipigil.
Nais mo akong hawakan,
ngunit para kang nahihirapan.
Nais mo akong lapitan,
ngunit paa'y di maihakbang.
Ang mga pagkakataon,
tila naglaho sa hangin.
Dahil takot
di mo kayang hamakin.
Hito ako naghihintay
sa wala,
Ano nga bang magagawa,
kung takot ang nananaig sa iyong diwa.
Kung kailan na nahulog
na ako,
Kung kailan handa na akong
maging kabiyak mo,
Doon ka naman naduwag,
at isinuko ako.
Paano natin malalaman
kung di naman natin susubukan?
Paano mananalo kung
ang isa'y sumusuko?
Kung hindi man ito uubra,
at di tayo naging masaya,
at least sinubukan nating
maging isa.
Ngunit tulad ng iba,
Ako'y ginusto,
ngunit hindi pinursue.
[EDITING...] These are the words running through mind and written on my notebook for quite some time. This is my poem compilation. Free verse lang ito, hindi ako bihasa talaga.
Sana ay maibigan ninyo ito. See yah! :)
~Snowflame (your resident Flyer)
DATE STARTED: January 12, 2018 - Friday
DATE ENDED: