Sabay-sabay nating subay-bayan ang buhay ng isang Denielle Cohin Madrigal. Ang Super Ma'am ng Barangay Mandaragit. Isa siyang Primary Teacher sa kanilang lugar at napakabait din niyang Binibini. Yun ang sabi. Na mayroong 5M: Magagalitin, Masipag, Mapagmahal, Maligalig at Magandang Pilipina. Sino ba ang dadating, mawawala at babalik sa kanyang buhay? Mababawasan pa ba ang kanyang mga pino-problema? Hanggang saan nga ba aabot ang kanyang pasensya? Sa kabila ng pangungulit ng mga tao kung kailan nga ba siya mag-aasawa? Siya kasi ang tipo ng tao na hindi papatalo kahit pikon na pikon na. Sa sobrang taas kasi ng Pride niya, kahit na sabihin nating 50-50 ang score niya ay ipaglalaban parin niya ang side niya at tama siya. Mahilig pati siyang magdescribe ng tao, hindi naman daw sa pangju-judge pero, sinasabi lang niya ang facts. Ehh? Ito na nga, sino? Sino ang taong makakapagbago sa paniniwala niya sa buhay. Tagalabas nga ba talaga? AFAM ika ng iba. "Isang pilipina nanaman nga ba ang aahon sa kahirapan--- este swe-swertehen sa lovelife?"