Para sa kanya, Na sinaktan ako at binalewala. Na iniwan ako at pinaluha. Na sinayang ako't pinaasa. Na hindi pinahalagahan. Na hindi kayang magmahal ng totoo. Para sa kanya, Na ginawa akong pangalawa. Na pinagmukha akong tanga. Na sa sitwasyon nami'y walang magawa, walang ginawa. Na siyang yumurak sa iniingatan kong pangalan. Na siyang naging tandang pananong sa aking pagkatao. Na siyang sa aki'y sumira. Na siyang sumira ng tiwala ng iba. Na siyang hindi kayang panatalihing ako lamang ang nag-iisa. Para sa kanya, Na sa aki'y umalalay mula sa pagkakalugmok sa nakaraan. Na sumama sa paghihinagpis. Na nagpakitang hindi pa huli ang lahat. Na naging positibo. Na hindi alam ang salitang laro-laro. Na sa aki'y nagpahalaga. Na sa aki'y nagpatawa. Na sa aki'y nagpangiti. Na siyang nagsabing hindi pa huli ang lahat. Na sa aki'y nagparamdam ng tunay na pagmamahal. Para sa kanya, Para sa nagmamahal sa akin.All Rights Reserved