SUMMARY Everything happens for a reason. We live our lives depending on our choices. A woman meets a man and chose him for a lifetime not because of necessity but because of love. Another meets a man amidst his crimes and mistakes. While the other confesses and rejoices their intense passion together. Lahat ng mga pagsubok sa buhay ay may solusyon. Lahat ng ating mga katanungan ay palaging may kasagutan na maaaring makasakit sa ating damdamin at sa mga taong malapit sa atin. Pinili kong mahalin ang lalaking gusto kong makasama habang buhay hindi dahil mayaman siya at may kaya dahil alam ko sa sarili ko na sasaya ako sa piling niya. Pinili ko naman ang lalaking alam kong maraming pagkakasala ngunit hindi ito naging hadlang para sa pag-iibigan naming dalawa. Sa halip na rosas ay halos bala na lang ang parati naming maihahalintulad sa isa't-isa. Sa gitna ng hamon ng buhay ay parting darating ang taong handang umagapay. Magkakilala na noong una hanggang sa nagkamabutihan. Mapangahas at mapusok ang mga damdaming pinairal. Sinubok din ng panahon ang katatagan ng relasyon. Hindi man palaging nagkikita ay dama pa rin ang bawat pagtibok ng puso at init ng mga haplos. Pinili namin ang dalawa dahil pareho naming mahal ang isa't-isa. Kung kaya't ang mga daing ng puso at mga damdaming nakatago, ang lahat ng ito ay nag-aalab.