Sa bawat sulok ng Pierce University, isang pangalan ng grupo ang bumabalot sa mga estudyante ng takot at paghanga ang-"ROYAL V". Ang Royal V ay binubuo ng anim na makapangyarihang binata na parang mga hari kung ituring sa campus. Sina Ethan at Aiden Pierce, ang kambal na mayaman at magkaibang ugali; si Luke Rodrigo, ang tahimik ngunit mapanganib; si Milo Bautista, ang palatawa ngunit seryoso sa oras ng laban; si Ken Juarez na may sariling mundo at si Nathan Sanchez na isang playboy, Sila ang bumubuo ng Royal V, ang grupo na may kapangyarihang kontrolin ang bawat sulok ng eskwelahan.
Sa kabila ng kanilang impluwensya, ang buhay ng Royal V ay magsisimulang magbago nang dumating si Skye Santos, isang simpleng estudyante na hindi aakalaing madadamay sa mga laro at galit ng mga makapangyarihang mga estudyante. Sa isang kapalarang hindi inaasahan, si Skye ay magiging sentro ng alitan, pagtutulungan, at higit sa lahat, isang di-inaasahang pag-ibig.
Ngunit sa mundong kontrolado ng mga mayayaman at makapangyarihan, paano makakahanap ng lugar si Skye? Kaya bang baguhin ng isang simpleng babae ang takbo ng buhay ng Royal V? At paano haharapin ni Skye ang mga hamon na dala ng kanilang mundo?
Ito ang simula ng kwento ng Royal V at ni Skye Santos-isang kwentong puno ng laban, pagtataksil, at pag-ibig na hinding-hindi nila malilimutan.
"You lied to me then. How can I trust you now?"
"You can't. You shouldn't. But you're going to, anyway," I said with confidence.
His head tilted from amusement and wonder. "At paano mo naman nasabi 'yan, hmm?"
"Because liar or not, you're too in love with me not to trust me again."
Judging by his darkened expression, tama ako. He was still an unwilling puppet at my control. Ang hindi niya alam, I was the same way towards him.
Because like it or not, mahal ko parin siya. Hanggang ngayon ay wala paring lalaki na mas nakakahigit sakanya. And it scares me shitless that there will never be a guy that could make me forget him.