Fair ang mundo pero hindi ang mga tao iyon ang laging sinasabi ni Jeremeiah sa sarili niya sa tuwing may nangyayaring hindi maganda sa buhay niya. Lumaki si Jeremeiah sa isang broken family, iniwan sila ng tatay niya para sa ibang babae noong nasa elementary siya at noong nasa high school naman siya sinubukan kunin ng Nanay niya ang sarili nitong buhay ng dahil sa depression, at doon na nagsimula maging mahirap ang buhay niya, halos araw-araw kailangan niyang buhayin ang sarili niya at gampanan ang pagiging anak sa Nanay niyang nasa isang mental institution. Lumaki siya sa hirap, pagsubok at madilim na realidad ng buhay dahilan para masanay siyang mag-isa at walang inaasahan sa buhay pero magbabago ang lahat ng makilala niya ang true love niya at ang greatest love sa parehong pagkakataon.
Si August ay anak ng mga business tycoons na involve sa mining at oil internationally. Si August ay lumaking mabait at masunuring anak sa mga magulang niya, isa naman siyang mapagkakatiwalaan at maasahan na kaibigan, at isa naman siyang matalino at masipag na mag-aaral. Perpekto ang buhay niya may mga maarugang magulang, mabuting kaibigan at marangyang buhay. Pero paano nga ba kung ang perpekto niyang buhay ay magulo ng makilala niya ang isang babaeng bibihag sa puso niya? Handa ba siyang ipaglaban ito hanggang sa huli?
Hanggang kailan mo kayang lumaban para sa taong mahal mo? Gaano katagal ka ba kakapit sa pagmamahal kung alam mo naman na sa huli hindi istroya niyo ang may happy ending?