Sa madilim na nakaraan, liwanag mo ang natagpuan. Ngunit ang huling hibla ng liwanag mo ay dahan-dahang naglaho. Ang mga pangarap natin ay naupos. Limampung araw ang pag-asa'y nagdilim. Sa bawat patak ng ulan, nagmumungkahi ang sakit sa puso. Sa gitna ng kawalang-hanggan, ikaw ay nawala. Ang dulo ng ating kwento ay isang madilim na daan, kung saan walang patnubay, walang sigla, walang liwanag. Sa huling hibla ng liwanag, ako'y nag-iisa. Hahabulin ang nakaraan ngunit sa dilim mo lang pala'y matatapos.
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos