Cerelia Shiloh Altavera "Hindi ako basta-basta nagpapa-table, Madam." Napatingin ako sa lalakeng kaharap ko. His looks caught my attention. I was just watching him earlier. Sumasayaw sa malamyos na musika habang nasa entablado. "I will pay you. Magkano at ilang oras ba ang serbisyo mo?" Umangat ang tingin niya sa akin habang nagbibilang ng pera sa lamesa. May buong isang libo, limang daan, at dalawang daan. Mukhang ito na ang lahat ng kinita niya kanina sa pagsayaw. Sumipol siya at ngumiti bago sumagot. "Aba, ikaw... depende sa iyo kung ilang oras ang itatagal mo sa kama. Puwede ako hanggang ten rounds. Pinakamatagal ko na pero malaki-laki ang bayad," sabi niya at kumindat pa sa akin. Napanganga ako. W-What?! t-ten rounds?! but wait, hindi iyon ang ibig kong sabihin! what I mean is nais ko siyang makausap! pero dahil nga sa linya ng trabaho niya ay iyon talaga ang maiisip niya! Okay, kalma lang. Ask him again, you can do this, Ceri. Para sa nais mong anak. Go!