Tips para mapansin ni CRUSHIECAKES:
1. Alamin mo 'yung mga hilig niya, favorite sport, favorite color, favorite food, BASTA LAHAT!
2. Cool ka lang dapat, 'wag lumandi basta-basta, HINAY-HINAY LANG.
3. Makipag-close ka muna sa mga kaibigan niya. Kung may mutual friends kayo, MUCH BETTER!
4. Puwede mo siyang i-stalk to know his favorites, pero SA SOCIAL MEDIA LANG! 'Wag sa personal, creepy mo naman niyan.
Ano? May kulang pa ba sa listahan ni Ashiera? Sa tingin niyo ba susundin niya 'yung nakasulat sa listahan niya? Pero... Sino nga ba 'yung crush niya?!
Ashiera Louisa Temoñes, the epitome of someone who'll do anything to be noticed by someone she likes. Maingay, makulit, madaldal, pero soft hearted and such a good friend! Napakatalino pagdating sa acads pero ang tanga naman pagdating sa bagay na tinatawag na "pag-ibig", ang galing, diba?
Anthony Zhin Villaforte, someone who's almost perfect in her eyes. Gwapo, matalino, mayaman, at mabait, pero napakatahimik naman. Ni pansinin nga si Ashiera hindi niya magawa eh. But how would things work out for them?