I'll be Waiting for you (When We Were Juniors Series #4)
41 parts Complete "Vivi ko, pangako na hihintayin kita. Hihintayin ko sila na matanggap na nila tayo."
Sa buong buhay ko, isang lalaki lang ang minahal ko ng totoo. Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay matagal kaming hindi nagkita o nagkasama.
Shenylyn Virelle Marquez, hindi ako lumaki na kasama ko ang aking tunay na pamilya. Lumaki ako sa pangangalaga ng mga madre at ng mga kaibigan ko. Sina ate Tine, kuya Samuel at ate Hera. Masaya kaming apat na magkakasama, kahit mahirap ang buhay namin ay kinakaya namin basta tulong-tulong kami.
Hindi ko inaasahan na makikilala ko si Allan habang nagtatrabaho ako sa kanilang mansion bilang labandera at yaya ng nakakabata niyang kapatid.
Marzell Allan Molina, isa siyang anak ng mayamang mag-asawa ng amo ko. Noong kita ko sa kanya noon sa horror house ay wala akong pakialam sa kanya, hanggang sa palagi na siyang namamalagi sa kanilang mansion. Hindi napigilan ng puso ko na umibig sa kanya.
Minahal namin ang isa't isa kahit na ayaw sa akin ng kanyang pamilya, ganoon na rin sina ate Tine at kuya Samuel.
Hindi ko alam na ang lalaking nakilala ko sa loob ng horror house ay seryoso kong mamahalin.