Akala ko, walang magkakagusto sa'kin. Sa bawat araw na lumilipas, parang mas lalo kong nararamdaman na invisible ako sa mundo. Habang nakikita ko ang mga kaibigan kong may kasabay umuwi, may ka-text bago matulog, may mga bouquet ng bulaklak, may ka-holding hands sa gabi, ako... wala. Ni minsan, ni minsan walang nag-abot kahit kendi. O ni walang nagtangkang magtanong kung kumusta ako, o kung puwede ba akong ligawan. Sanay na ako sa mga kantiyaw ng barkada-"Dessa, baka maunahan ka pa ng inaanak mo magkajowa!"-o yung mga biro ni Mamita na, "Anak, baka hindi lalaki ang para sa'yo, baka babae." Pero sa totoo lang, hindi na rin ako umaasa.
Walang nagkakagusto sa akin. Wala ring nagpaparamdam. Kahit simpleng ligaw-ligawan o fling, hindi ko naranasan. Para bang hindi ako pansin ni kahit sinong lalaki. Kaya tinanggap ko na lang. Siguro, ito na ang kapalaran ko. Na baka baka wala talagang darating para sa'kin. Siguro, kasama ko si Mamita hanggang sa pagtanda, kaming dalawa, at mga alaga niyang halaman at parlor.
Until I met him, Enrique. Na halos ikabaliw ko. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, simula noon, siya ang naging laman ng mga panaginip at pantasya ko.
Hanggang kailan ako maghihintay?
Hanggang kailan ako maghahanap?
Kakayanin ko pa ba?
O ako'y bibigay na?
Ilang dekada na rin kasi ang lumipas pero hindi ko pa rin siya nakikita.
Pagod na ang aking katawan pero ang puso ko kahit kailan man ay hindi napagod... hindi nawalan ng pag-asa... na balang araw kami ay muling magkikita.