Sa bawat paaralan, may mga studyanteng hindi inaasahan na makikilala natin sa iba't-ibang pagkakataon at iba't-ibang dahilan. Si Heaven Torres ang babaeng gusto lamang na nasa sulok ngunit nagkaroon ng kulay ang tahimik n'yang buhay nang makilala ang lalaking ubod ng kulit na naging dahilan para makilala siya at naibsan ang pagiging tahimik niya. Ang lalaking 'yon ay si Francis Rivera, matalino siya at magaling sa pakikipag-sabayan. Sa unang tingin, para siyang katulad sa mga tao na parang pang hanggang dito lang, pero nasa likod no'n ang isa sa mga katangian niya kung bakit nagka-gusto sa kan'ya si Heaven. May mararating kaya ang lihim na patingin ni Heaven kay Francis?