THE LAST DANCE FOR MY KING ( BL R-18 )
  • Reads 542
  • Votes 97
  • Parts 12
  • Reads 542
  • Votes 97
  • Parts 12
Ongoing, First published Sep 02, 2024
Mature
Lumaki si Milla na walang pagmamahal na kinagisnan kahit sa sarili niyang ina. Sa pagbebenta ng katawan siya nito binuhay, at pinalaki siya nito para maging katulad nito, at hindi niya ito binigo. Pero kung ang kanyang ina ay habang-buhay gustong manatili sa gano'ng klaseng buhay ay iba siya, gusto niyang may mabago sa kanya sa loob ng sampung taon. Hanggang mapadpad siya sa isang imperyo na may malupit na hari, ito ang haring inibig niya, at unang pinagbigyan niya ng sarili ng kusang loob, itinuturing siya nitong mahalaga higit sa iba, pero nagising siyang sa pakiwari niya'y katawan lang niya ang gusto nito, at mananatili lamang siyang gamit nito sa pansariling interes, at katulad ng kanyang ina, kailangan niya 'tong layuan kung gusto niyang pahalagahan ang kanyang sarili.
All Rights Reserved
Sign up to add THE LAST DANCE FOR MY KING ( BL R-18 ) to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Close your eyes, Hermosa ✔ by Miss_lesaghurl
34 parts Complete Mature
[ THE WATTYS 2023 SHORTLIST ] "Sabi nila, naglalakbay daw ang diwa ng isang tao habang nahihimbing. Ngunit sakaling makamit mo ang kaligayahan at pag-ibig sa panaginip na binuo ng iyong isip, pipiliin mo pa rin bang magising?" *** Isinilang sa isang marangyang angkan, puspos ng katalinuhan, kayamanan at kagandahan. Isang malaking sumpa pa rin kung ituring ni Camilla ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng kapalaran. Sa murang edad ay maaga siyang namulat sa mundo ng pag-aasawa, matapos siyang matali sa isang kasunduan na hindi niya ginusto kailanman. Nang dahil dito, naging madilim ang bawat araw na nagdaan sa kanilang pagsasama. Walang gabi ang lumipas kung saan hindi niya tinitingala ang kalangitan, humihiling at umaasa ng pagbabago sa mapait na buhay na kanyang taglay----at dumating nga ang araw na iyon. Dumating ang isang madilim na tagpo. Isang trahedya ang naganap na bunga ng kataksilan. Mula sa isang mahabang pagkakahimbing, tila isang panaginip ang dumating na siyang magbabago ng lahat. Mula sa isang madugong aksidente, magigising si Camilla at matatagpuan ang sarili sa isang kakaibang mundo. Sa ibang oras. Sa ibang lugar. At sa ibang pagkakataon. At higit sa lahat, sa isang lugar na tila walang lagusan upang makaalpas. Sa maikling panahong pananatili niya roon ay magsisimula na siyang mangulila at hanapin ang daan pabalik sa tunay niyang pinagmulan. Ngunit makikilala niya ang isang misteryosong estranghero na si Emilio---ang magpapabago nang tuluyan sa tibok ng kanyang puso. Gugustuhin niya pa rin bang mahanap ang daan? Kung siya ay bihag na ng pag-ibig? At sa kabila ng mga nakatagong lihim na kanyang matutuklasan... Handa pa rin ba siyang matawag na "Hermosa" sa huling pagkakataon? Date written : April 7, 2022 Ended : March 15, 2023 Language : Tagalog Book cover : Chrys_tala✨
You may also like
Slide 1 of 10
Wind Chime (A Lucid Dream Spin-off) cover
Close your eyes, Hermosa ✔ cover
ᴍʏ ꜰʀɪᴇɴᴅ'ꜱ ᴅᴀᴅᴅʏ cover
The Devil's Angel cover
Possessive Series 1: Lander Storm cover
The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM) cover
13th (BL) R-18 cover
The Assassin's Reincarnation cover
Cursed Beauty (BL) [On-Hold] cover
Kidnapped by Mr.Possesive Mafia (Book 1) cover

Wind Chime (A Lucid Dream Spin-off)

46 parts Complete

Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dreams. *** Lavender Laxamana can't sing or play the guitar in front of anyone anymore. She hides in her dreams where she can perform and play music to her heart's desire with Yuan. Lavender has already accepted that the man she loves is just a figment of her imagination, but when she crosses paths with Aki, a starting artist who goes by the name of Musikero and looks and sounds like Yuan, Lavender is hopeful they can finally be together in real life. But reality slaps her in the face when she finds out Aki is the exact opposite of Yuan, and he loathes her. While Lavender struggles to find the connection between Yuan and Aki, can she finally find the courage to stop escaping from reality--no matter that Aki may be in love with another woman? And can she finally face the rhythm and beats of her heart and pursue her passion again? How far will she go--or not go--for her dreams? DISCLAIMER: This story is written in Taglish. COVER DESIGN: Regina Dionela