Hi! Ako si Luna. Isang simpleng college student na may ordinaryong buhay; umiikot ang araw ko kasama ang mga baliw kong tropa: sina Kenneth, Lee, Celine, Carlo, Joshua and Paolo.
Ok na sana, kaya lang ng makita ko ulit ang highschool crush ko na si Stephen, nagbago ang lahat! All of a sudden, narealized kong wala akong experience sa love, flirting o relationships para makuha ang atensyon ni Stephen. Baka destiny na nagkita ulit kami ngayon, so hindi ako papayag na wala akong gagawin!
And may naisip na akong plano.
Magpapaturo ako. Tama. Sa tropa, si Paolo ang pinakamaasahan ko. Since super close naman kami, wala namang masama kung magtatanong ako sa kanya diba? Kahit mga basic skills lang! Tama, tama. Si Paolo lang to, so alam kong wala ring malisya sa kanya. Wala namang masamang mangyayari diba?