Hindi pantay ang pagtingin ng ama nila Ram sa kan'ya. Ngunit hindi niya ito ininda dahil kaagapay niya ang kan'yang Kuya Jojo. Mula pagkabata ay alam ni Jojo sa sarili niyang naiiba siya. May lihim itong pagtingin sa Kuya niya ngunit kinalimutan na lang niya ang lahat ng ito hanggang sa makakuha siya ng trabaho at bumukod. Isang araw dumalaw ang kan'yang Kuya sa kan'yang bahay dahil sa ito raw ay problemado at kailangan ng tulong. Papabor kaya sa kan'ya ang pagpunta ng kan'yang Kuya Jojo o parehas lang silang malulugmok sa problema?