Ano nga ba iyong mga senyales na hindi na tayo mahal ng karelasyon natin? Can't find time anymore? Less conversation? No more good nights or I love you's? O iyong kahit simpleng 'ingat ka', hindi na niya masabi? Hindi ko alam kung kailan nagsimula, hindi ko kasi agad naramdaman. Pagkagising ko na lang isang araw, hindi na pala niya ako mahal. Masyadong mabilis. Parang nahiya iyong limang taon naming pagsasama. May mali ba akong nagawa? Saan at paano? Kailan? O pumangit na ako? Hindi ko alam. Nagsawa na lang siguro siya. Siya ang nakipaghiwalay at hindi ko pa rin maintidihan ang dahilan kung bakit. Kung ako ba ang nagkamali o posible bang kusa na lang na naglaho ang pagmamahal niya. 09/04/24All Rights Reserved
1 part