Ako si Louzia. Bruha, Aswang, Mangkukulam, Mambabarang. Ilan lang iyan sa tawag sa akin ng mga kaklase at schoolmates ko. Aware naman ako doon at pabor pa nga iyon sa akin dahil walang nagtatangka na gumagambala sa pananahimik ko. Lahat sila ay takot sa akin. Makita pa lang nila ako ay umiiwas na sila. Ngunit nawala ang katahimikan ng buhay ko ng dumating ang transferee na si Adrianne.