Sa gitna ng paglalakad nya sa hallway Ng hotel nakita ni Zen ang isang babaeng nakasandig sa pader. Ang kanyang mga mata, tulad ng dalawang bituin sa kalangitan, ay nakakuha ng kanyang atensyon. Muling bumalik sa kanyang ala-ala ang maamo at batang mukani Aiden ang babaeng hinanap niya ng matagal na panahon, ang babaeng nag-iwan ng malalim na marka sa kanyang puso. "Mahal kita, at hahanapin kita," ang pangako niya sa kanyang sarili noon. Ngunit sa paglipas ng mga taon, ang kanyang paghahanap ay naging isang walang-katapusang paglalakbay. Hanggang sa isang gabi, sa gitna ng isang maling pagkakataon, ang kanyang mga mata ay nagtama sa mga mata ng babaeng nakasama niya sa isang gabi. At sa sandaling iyon, nagising ang kanyang puso sa isang pag-asa na hindi niya inaasahan. Para kay Aiden isang pagkakamali Lang iyon at Hindi na mauulit pa . may kirot sa kanyang puso dahil ang lalaking nakauna sa Kanya ay ang lalaking kinamumuhian nya.