









Umibig si Cherry sa isang taong inakala niyang totoo ang pag-ibig. Pero isang araw, hindi sinasadyang narinig niya ang usapan ng barkada-na ang lahat pala ay isang pustahan lamang para kay Mike. Pinaibig lang si Cherry, at ang mas masakit, niloko siya ng taong peke ang pagmamahal... taong may mahal nang iba. Ano kaya ang mararamdaman ni Cherry kapag muling nagtagpo ang kanilang mga landas, matapos ang limang taon ng pananahimik? May pag-ibig pa ba siyang nararamdaman para kay Mike-ang lalaking minsang nanloko sa kanya? Mas lalong mahirap dahil iisa lang ang bubong na kanilang tinitirhan-ang bahay na tinutuluyan ni Cherry mula pagkabata. Abangan ang pagbabalik ni Mike, at kung may pag-ibig pa nga bang muling titibok sa pangalawang pagkakataon. Tunghayan ang kwento nina Mike at Cherry sa Ultimate Barkada Series Series #1: Heartbroken.
Más detalles