UTOL ni: Paul Ino Ang ating pagka musmos Ay nag uumapaw sa saya. Tayo tayo magkakampi Sa lahat ay magkasangga. Walang iwanang nagaganap Naka agapay lang sa tuwina. Magkasama sa mga bagay Na malungkot man o masaya. Tangan tangan pa natin nuon Mga payo't pangaral ni ama. Higpit ng yakap ni ina Pinaghahatian pa nating lima. Huwaran yang magkakapatid Yan ang taguri satin ng iba. Ngayon ay halos nagiba na Pundasyong naipunla nila. Bakit habang tayo'y lumalaki Pakikitungo na ay nag iiba. Lumalayo na ang loob Natututo pang manghusga Pananaghili ay sagad Wala namang sapat na dahilan. Mga inggit at pagkasakim At pababa pa na hilahan. Ako din naman ay nainggit Ngunit di ko ginawang depresyon. Bagkus aking kang inunawa at naging inspirasyon. Kung paano mapapabuti Nasisira na nating relasyon. Datapwat positibo lamang Mga pina planong solusyon. Ako daw kasi ang mas nakatatanda Kaya ako na lang ang magparaya. Mas malawak ang pag iisip Kaya dapat na mas umunawa. Ngunit kami bang mga kuya inyo bang isina alang alang? Na karapatan naman namin na tumanggap ng pag galang. Sa pinakamamahal naming magulang Sinserong paumanhin sa inyo. Kung nakikita ninyo kami Sa magulong sitwasyon na ito. Hindi po namin sigurado Kung ito pa ba'y maiwawasto. At maibabalik pa ba namin Lahat ng tinuro ninyong respeto.All Rights Reserved