Imagine growing up in a conservative, strict, and malinis na household. I thought as we age, magkakaroon na tayo instinct para makasurvive sa anumang panahon, hindi naman mala-Survival reality show ang peg pero basic human instinct lang. If gutom, kumain; mabaho, maligo; antok, matulog, common sense lang pinapagana para mabuhay.
Until I met Kyle, my new housemate sa inuupahan kong shared apartment malapit sa campus. Parati akong nadadapa sa mga kalat ng roommate ko, basura doon, basura dito, basura ka (de joke), at sa sinuswerte naman ako na napatapat ako sa landlord na ubod ng maldita, hindi lang ata pera yung kinukuha sa akin tuwing katapusan, pati ata mental health ko, nahihigop sa mala-volcanic eruption niyang bunganga.
Kaya no choice si Cinderella kundi sundan ang mga kalat ni Prince Charming, ang kyut mo sana kaso sobra mong dugyot.
Until hindi ko na talaga kaya, lumalabas na ang Asian maternal side ko sa taong ito, talagang ibabato ko na talaga 'tong chinelas ko sa pagmumukha niya ngunit... bigla niya akong hinalikan, yes, tama ang basa niyo madlang people, hinalikan ako ng kumag na ito in the middle of my holy sermon pero instead na magalit, bakit parang may concert tour ni Taylor Swift sa dibdib ko?