Hindi inaasahan ni Charlene na muli niyang makikita si Wellesley. Limang taon na ang lumipas nang takasan niya ito. - At sa mga panahong iyon ay napaniwala niya ang sariling napagtagumpayan niyang limutin ito. Iyon lang naman ang dapat dahil ipinagpalit siya nito sa iba. Kaya ganoon na lamang ang pagkalito niya sa nararamdaman nang maring itong magsalita sa harapan niya. "When you left, I never had the courage to look you up. What for? Ayaw mo na sa akin..." Nanatili itong nakatingin sa kanya. "Akala ko' y nawala ka na sa puso ko, na natanggap ko nang hindi ka para sa akin. But it took me one look at you to realize that I've never really gotten over you." "I-I don't know what to say," nabubulol niyang sabi. Hindi pa pala sapat ang ilang taong pagkakahiwalay nila upang mabawasan ang pagmamahal niya rito. "Bakit bumalik ka pa sa buhay ko, Wellesley?" "Simple lang, I know you belong to me and nothing else will matter." Would she believe him this time?