Labing-anim na taon lamang ang aking ina noong ako ay kaniyang ipinagbuntis. Binalak pa nga akong ipalaglag ng aking ina ngunit ayaw daw niyang makagawa ng kasalanan. Masakit isipin na hindi na nga ako planado, ganito pa ang trato nila sa akin. Wala naman akong magagawa sapagkat ako ay pagkakamali lamang sa kanilang paningin. Hindi ako masyadong magaling sa larangan ng akademiko at kahit isang talento ay wala ako. Ang silbi ko lamang sa buhay ay pagsilbihan ang aking magulang dahil kahit ganoon ang trato nila sa akin ay pinapaaral pa rin nila ako at binibigyan ng tulugan.