Hindi ko masasabing ako ay isang mahusay na manunulat, sapagkat ang aking mga likha ay hindi nagdudulot ng kasiyahan. Hindi ako katulad ng mga kilalang personalidad na hinahangaan ng marami dahil sa kanilang husay. Ako'y nahihirapang bumuo ng mga ideya dahil sa kakulangan ng kaalaman at hindi ko rin alam kung paano magbigay ng kaliwanagan sa inyo. Hindi ako katulad ng mga bihasa na kayang magpaikot ng mga letra at salita upang magbigay-buhay sa kanilang mga akda. Isinulat ko ito dahil wala akong magawa. Natutuwa akong masaksihan ang mga di kapanipaniwalang pangyayari sa bansang Vacarde De Abras. Isa itong libangan para sa akin, ang magsulat ng ilang pantasya, romansa, at mga problema habang nakaupo sa isang sulok, kahit na walang makain o kahit na ako'y nakakulong. Gaya ng aking sinabi, huwag ninyong seryosohin ito. Ang may akda: Ang Nakawalang IbonAll Rights Reserved
1 part