"When I said 'finally,' I meant, sa wakas ay natagpuan ko nang muli ang babaeng nais kong makasama sa habang-buhay. Ikaw iyon, Sam." Bilang cheerleader, campus figure si Sam noong high school- maganda, sosyal ang mga barkada. Schoolmate niya si Marcus, na mas kilala bilang si Macoy-payat, makapal ang salamin sa mga mata, baduy. Laging pinagti-trip-an ng kanyang mga kaibigan ang lalaki. Naaawa man si Sam kay Macoy ay wala siyang magawa. Na-guilty pa si Sam nang husto nang mapilitan siyang ipahiya si Macoy sa prom. Iyon ang huling pagkakataong nakita niya ang lalaki. Pagkaraan ng maraming taon, muling nagtagpo ang kanilang mga landas. Napanganga si Sam sa hitsura ni Macoy-matangkad, makisig, guwapong-guwapo, at matagumpay na sa buhay. In short, he was now a super hunk! Doon nagsimula ang pagkakalapit nila at madalas na pagkikita. Naligalig pa nang husto ang kanyang mundo nang matikman ni Sam ang tamis ng halik ni Macoy. Ngunit paano kung nais lamang siyang gantihan ng binata kaya nakikipaglapit ito sa kanya? Paano pa isasalba ni Sam ang kanyang puso, gayong nahumaling na iyon nang husto kay Macoy?
"Kahit minsan ba ay hindi mo ako naisip?"
"Hindi kahit minsan." Naramdaman niya ang unti-unting paglapit ni Benedick. Na nagdulot ng malaking tension sa buo niyang pagkatao.
"Kahit isang saglit?" Nasa labi nito ang mapa-nuksong ngiti
Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. "Hindi kahit isang saglit." Napahawak ang dalawa niyang kamay sa matigas na muscles nito sa dibdib nang tuluyan na = itong makalapit sa kanya.
Ginawaran siya nito ng mabilis na halik. With that kiss, one simple kiss, pakiramdam niya ay unti-unting tinutunaw ni Benedick ang katigasan ng kanyang kalooban.
His breath was hot and sweet in her lips. Paano pa niyang magagawang masuklam sa lalaking ito gayong sa pamamagitan lang ng halik nito ay nagagawa myang kalimutan ang lahat?
Lahat ng sakit, hapdi at kirot na idinulot nito?