8 parts Ongoing Sa likod ng mga ngiti at biruan sa klase, may pusong unti-unting binubuo-o muling binabasag. Si Hanna, isang Psychology student na pilit sinasaliksik ang utak ng tao para maintindihan ang sarili, ay muling nabalikan ng isang kabanatang pilit na niyang nililimot. Matapos ang pagkawala ng ama at isang masakit na pag-iwan, akala niya'y tuluyan na siyang nakaahon. Ngunit paano kung ang taong iniwasan mong makasalubong muli, ay biglang humarap sa'yo-sa mismong virtual classroom na akala mo'y ligtas na espasyo?
Sa pagitan ng tawa, trauma, at tahimik na paghilom, isang kuwento ng pag-ibig na naputol hindi dahil sa kawalan ng pagmamahal, kundi sa kawalan ng tamang panahon at pagkaunawa. Sa muling pagtatagpo, mananatili nga bang sugat ang lahat, o ito na ang pagkakataong unawain ang mga tanong na matagal nang iniwasan?
Isang istorya ng pusong gustong maka ahon, ngunit una pa lang, alam naman nyang hindi nya ito kayang talikuran .