10 capítulos Em andamento Isang natatanging Nobela tungkol sa paghahanap Ng Pagmamahal Ng Isang taong ninanais Ng buhay na puno ng kasiyahan at kuntento sa pamamagitan Ng Isang taong iniibig, ngunit sya ay laging nabibigo. Bawat desisyon nya ay tila bay pinapapunta sya sa daan kung saan ang lahat ay nagiging magulo, mahirap, at di maintindihan.
Pagmamahal o ang sarili? diba't Iisa lang ito kung maituring? ang sarili ay dapat nating mahalin. ang Pagmamahal ay kinikailangan Ng ating sarili...
Kilalanin ninyo ang mga tauhang nabulag dahil sa dahas Ng mga kaaway Ng lipunan. Naging alipin Ng Tadhana. kung maibabalik lang sana ang nakaraan itoy mababago pa. lahat Ng kabiguan ay maiaalis at maagapan sana. Isa ngang tunay na pagsubok ang pag ibig. sa lipunan itoy mahirap makamit pag walang tunay na kapayapaan at pagtutulungan. Itong mga tauhang naging biktima Ng pangaalipin Ng politiko, mga korupsyon at sindikato. mga tauhang imbis na naging alipin Ng Iisang taong kanilang minamahal Ng buong pusoy nagpaka alipin sa Kamangmangan at tumatakbo na lamang sa paniniwalang sila ay maliligtas sa pamamagitan Ng panahon. Kamatayan o Pag ibig, pumili ka! Syempre alam ko naman ang iyong sasabihin. "pag ibig" ngunit kailangan mo ba talaga ito? sigurado ka ba na ito ay inaasam mo? kung kamataya'y Wala na akong magagawa. pinapalaya mo ang iyong sarili sa Pagmamahal na kung iyong makamit ay tila di mo na ito gugustuhin pa. Ang Oras ay sadyang mapanganib kung iisipin. mabagal man o mabilis, sa Oras Mang matamis ang nananaig o kapaitan. Iisa lang ang ating kapalaran,at Ayun ay ang kamatayan at kapaklaan Ng kabuhayan. mabigo man sa huli, tinatahak parin nila ang landas na alam nilay kanilang mapagtatagumpayan.