Keanna Zobelle was born into a wealthy Family. She is the only daughter of Kean Patrick Zobelle and Catherine. One of the country's most affluent families owns Malls and Hotels. Likas siyang spoiled brat noong bata pa siya dahil sa matagal siyang hinangad na mga magulang nito upang mabuo lamang sila, kaya lahat na lamang binibigay sa kanya. Pero habang lumalaki siya, nag iba ang hilig at gusto nito kaya hinayaan na lamang ito ng kanyang pamilya. Imbest na mag managed ng negosyo nila'y mas pinili ni Keanna ang maging alagad ng batas. Yes, she is a P03 Police officer. Kaya naman ginawang lahat ng paraan ng mga magulang niya upang maitago lamang ang totohanan na isa siyang anak ng bilyonaryo, tanging malalapit na kaibigan lang nito ang nakaka-alam kung sino nga ba siya. Habang nasa misyon ay nakilala niya ang binatang si Tristan. Si Tristan na puro raket ang nasa isip, basta pagkakaperahan ay ayos sa kanya kahit sa ibang paraan man niya ito kikitain. Panganay kasi siya sa anim na kapatid. Siya lang ang inaasahan dahil wala na silang tatay at ang nanay niya ay may sakit. Nagustuhan agad ni Tristan ang pulis na si Keanna kaya ginawa niyang lahat sagutin lamang siya nito. Pero paano kung malaman ni Tristan ang totoong pagkatao ni Keanna? Maningibabaw ba ang pag-ibig ni Tristan kung ang ego at panliliit sa sarili ang kalaban nito?All Rights Reserved