Hindi hinahanap ni Florence ang pag-ibig-pero ramdam niya ang puwang na hindi kayang punan ng trabaho o kaibigan. Sa isang iglap ng curiosity, natagpuan niya ang sarili sa isang "rental girlfriend service," kung saan nakilala niya si Yesha: isang babaeng puno ng charm, lakas ng loob, at mga lihim na hindi agad nakikita sa ngiti. Isang kontrata lang sana. Walang personal, walang komplikasyon. Pero sa bawat pagtawid ng gabi, sa bawat tawa at katahimikan na pinagsasaluhan, unti-unting nabubura ang linyang naghihiwalay sa peke at sa totoo. Hanggang kailan nila kayang itanggi ang tibok na hindi naman kasama sa kasunduan? • FAYE PERAYA as FLORENCE MILLARES • YOKO APASRA as YESHA SANTIAGO
Detail lengkap