P R O L O G U E Ang buhay natin ay parang isang pelikula na bawat isa sa atin ay may iba't-ibang karakter na ginagampanan, minsan para tayong si John Lloyd Cruz sa One More Chance na kapag tayo'y nasaktan at iniwan ng taong kulang nalang buong allowance mo at oras sana sa pag-aaral ibinigay mo, na iiyak ka habang nagwawalling na sasabihin mong : "Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin, dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa’tin – ‘yung hindi tayo sasaktan at paasahin…’yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.” Tapos syempre hindi mawawala na may mga kaibigan kang mala Beauty Gonzales sa Starting Over Again na lagi kang sasabihin na: “Adik ka na naman sa pag-asa eh. Try mo na kaya lumaklak ng realidad!” Tapos kapag nilaklak mo na yung realidad magiging mala Carmi Martin ka naman sa No Other Woman na marerealize mong: "Ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher, maaagawan ka. Lumaban ka!” Tapos kapag lumaban ka na kaso huli na pala ang lahat magiging Sarah Geronimo ka naman sa It Takes A Man and a Woman:“People change. Nothing stays the same forever. Change is bound to happen.” At dahil dyan magiging single-chola at ampalaya queen ka ng taon dahil tatanggapin mo ang katotohanang hindi talaga kayo ang para sa isa't isa kaya it's time to be Toni Gongaza ng Four Sister in a Wedding na isisigaw mong: "Pwes, bigyan mo ako ng options! Options, options, options, options, options…” Kaya samahan natin ang ating bidang si Suzy Garcia sa paghahanap ng mga options, options, options, options!! but would she be naughty? or nice! sa mga choices pipiliin niya... kaya let's see it altogether! @ImperfectionTheoryAll Rights Reserved