Isa sa mga empleyado ng ospital ay si Summer San Beda, sekretarya ng misteryosong chief executive officer. Kahit matagal na siyang nagtatrabaho, ni minsan ay hindi pa niya nakikilala ang kanyang boss. Sa kabila ng mga umiikot na tsismis na umaabot sa pinakaliblib na bahagi ng opisina, patuloy siyang nagtatanong-bakit hanggang ngayon ay tila anino pa rin ang boss niya? Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Sino ba namang mag-aakala na ang babaeng may hugis-diyosa at halos kasing tingkad ng araw ang kagandahan-iyon na pala ang kanyang boss? At sino ba naman si Summer para makaiwas sa isang full-force beauty na sa isang tingin pa lang ay halos mawalan na siya ng ulirat?