WARNING! This story contains brutal scenes and foul words. This story is not recommended for children and young readers. READ AT YOUR OWN RISK! --- Tumatakbo ako habang sinusundan ng isang babae. May hawak itong kutsilyo at hinahabol ako. Takot na takot ako at dumadagundong sa kaba ang dibdib ko. Paano ba ako napunta sa sitwasyon na ito? Tumatawa sya habang sinusundan ako. Tila isa itong demonyong tuwang tuwa habang pinagmamasdan akong lumalayo sa kanya. Hindi ko makita ang mukha nya. Na kahit anong aninag ko ay hindi ko talaga makita. Pigura at boses nya lamang ang nakikita at naririnig ko. Nag darasal ako sa bawat pag hakbang ko na sana ay tigilan at pakawalan na ako ng baliw na babaeng to. Lumakas ng lumakas ang tawa nya na para bang nanunuya sa bawat pagbigkas ko ng dasal. Isa nga talaga syang demonyo. "Angel.." Nangilabot ako ng tawagin nya ang pangalan ko. Binilisan ko ang pagtakbo kahit sobrang sakit na ng mga paa ko. "...kahit anong takbo ang gawin mo hindi ka makakawala sa akin." Dugtong nya pa. Hindi ko sya pinansin at tumakbo lang ako ng tumakbo sa walang kataposang dilim. Pag lingon ko ay wala na ang babaeng humabol saakin. Napahinto ako at humihingal na napahawak tuhod ko pero nagulat ako ng mapansin ang hawak kong... Kutsilyo?All Rights Reserved