"Josseff Kade Jeon. Half-korean, half-Filipino. Lumaki sa America. Kaya ayun, englisero..." Tumango ako at nagbasa ulit ng libro, kinalabit ako ni Nikkola. "Perfect target for a boyfriend. Gwapo, matangkad, maputi, matalino, mayaman. Yun nga lang medyo mayabang."
Sinundan ko ng tingin ang medyo chinito na mukhang anghel. Gwapo nga. Tama, prospect nga.
"At babaero." Tumango ako ng may napagtanto. Marami siyang babae. Hindi lang isa, dalawa o tatlo. Mahigit lima ang lumapit sa kaniya pagka upo niya palang sa isang table dito sa cafeteria.Pumasada siya ng isang ngiti at halos malaglag ang panga ko. Shet! Sanay ako sa gwapo dahil gwapo sila Jin, pero pucha bakit iba ang dating ng isang ito? Iyong tipo na itatapon mo talaga ang sarili mo sakanya. Bakit? Dahan dahan syang napatingin sa pwesto namin, agad akong umiwas ng tingin at nagkunwaring busy sa cellphone. Lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"Jusko! Tinitignan niya tayo." Niyugyog ako ni Nikkola at umiling ako. Hindi pwede. Hindi, kahit crush bawal. Tumigil ka Sha at baka matadyakan kita. "Shit! Shang!" Kinurot na ako ni Nikkola kaya napatalon ako, pag angat ko ng tingin ay napa 'shit' na lang din ako. Dahan dahan syang tumatayo at ang isang palad nya ay pinadausdos nya sakanyang shiny na buhok. Oo shiny at hindi messy. Ang ayos nya at ang pormal. Umiling sya sa mga babae na nagpapaupo sakanya at tumgin sa banda namin. Tangina Lord, bakit may ganito kagwapo na tao?