2 parts Ongoing Sa gitna ng kasaysayan at kapalaran, anong halaga ng pag-ibig kung ang bawat hakbang ay may kapalit?
Nang hawakan ni Nathan Flores ang misteryosong kwintas ay biglang nagbago ang lahat. Sa isang iglap ay napadpad siya sa panahon ng Espanyol, isang mundo ng kawalan ng kalayaan at matinding pagsubok. Sa panahong iyon ay nakilala niya si Federico Alvarez, ang anak ng gobernadorcillo na may lihim na kaisa ng mga rebolusyonaryo
Habang napapalapit sa isa't isa, nabalot si Nathan ng mga suliranin ng bayan at ng sarili niyang damdamin. Ngunit hindi lahat ng kwento ay may kalayaang ituloy. Sa bawat tibok ng puso, sa bawat araw na lumilipas ay nalalapit ang oras ng kaniyang desisyon, ang manatili sa nakaraan para sa pag-ibig o bumalik sa kasalukuyan para sa sarili.
Ang mahiwagang kwintas ang susi, ngunit may tanong na kailangan niyang sagutin: Hanggang saan ang kayang isakripisyo para sa pag-ibig at kalayaan?
Isang kwento ng kasaysayan, sakripisyo at pag-ibig na laban sa panahon.
Author: Koko_Hoshin
Genre: Historical Fiction | Fantasy | BL | Drama | Action
Word Count:
Date Started:
Date Finished: