Ang Artikulo II ng Saligang Batas ng Pilipinas ang naging inspirasyon sa akdang ito. Ang kuwento ni Totoy Reyes ay sumasalamin sa kanyang paghahanap ng tunay na kahulugan ng mga prinsipyong nakasaad dito: ang pagtaguyod ng hustisya, kapayapaan, at kalayaan para sa bawat Pilipino. Bilang isang idealistikong estudyante ng batas, si Totoy ay maglalakbay upang mahanap ang "mahiwagang susi" ng pagbabago - isang simbolo ng kanyang pinaniniwalang paraan upang mapabuti ang kalagayan ng bansa. Ngunit habang siya'y naglalakbay, makikilala niya ang mga makapangyarihan, malalantad ang mga lihim ng sistema, at susubukin ang kanyang katatagan sa gitna ng mga pagsubok sa politika.
Disclaimer:
Ang kuwentong ito ay walang sinasadyang o direktang pinatatamaan na sinumang tao, institusyon, o pangyayari sa totoong buhay. Lahat ng tauhan at ang mga pangyayari ay mula sa malayang imahinasyon ng may-akda.