Labis labis ang pagpapasalamat ni Ethan sa mag asawang umampon sa kanya. Hindi man niya ito kadugo, ngunit kahit na minsan ay hindi niya naranasang iba ang trato nito sa kanya. Sa pagdaan ng panahon ay mas lalo siyang napamahal sa dalawang mag asawa. Itinuring niya ang dalawa bilang totoong magulang at itinuring rin naman siya ng mga ito bilang tunay na anak. Naging malapit siya sa kanyang Daddy Carlos, lumaki siyang Daddy's Boy sapagkat lahat ng hingiin niya sa kanyang daddy ay ibinibigay nito. Mahal na mahal rin naman niya ang kanyang Mommy ngunit sadyang masuyuin at pasensyoso ang kanyang Daddy na kabaligtaran naman ng kanyang Mommy. Magagalitin at maikli ang pasensya nito, lalong lalo na nang tumuntong siya sa edad na labing anim (16). Pakiramdam niya ay inilalayo siya ng kanyang Mommy sa kanyang Daddy sapagkat kahit ang pasimpleng yakap at kandong ay ikinagagalit na nito. Mas nagiging maldita at magagalitin ito sa kanya na animo'y lagi siyang may kasalanan. Walang araw na hindi nag aaway ang kanyang mga magulang sapagkat sa tuwing pinapagalitan siya ng kanyang ina ay mabilis siyang inaalo ng kanyang Daddy na labis ikinagagalit ng kanyang Mommy. Hindi man niya maintindihan ang kinikilos ng kanyang kinikilalang ina, ngunit hinayaan niya nalang ito at nananalangin nalang na sana ay hindi na siya kagalitan at sungitan ng kinikilalang ina. Kinabukasan, ay naging normal na iyon para kay Ethan. Sigurado siyang maayos na ang kanyang Mommy at Daddy, at nagkabati na ang dalawa. Ngunit gaya ng kanyang Daddy, ay umaasa siyang magkabati narin sila ng kanyang ina. Ngunit ang inaakala niyang normal na araw, ay ang araw kung saan magsisimula ang masasamang plano para sa kanya. Ang itinatagong galit ay magiging resulta ng pagkaselos, ang itinatagong selos ay magiging resulta ng pagkamuhi, at ang pagkamuhi ay magreresulta ng malademonyong gawain na mag uudyok at tuluyang sisira sa kanyang mayumi at mabait na persona.