Sa isang bus, mayroon at mayroong bababa. At sa hinaba-haba man ng biyahe, sa ayaw mo man at sa gusto, may aalis- may mawawala. Ang tanging magagawa mo lamang ay tanawin sila habang patuloy kang umuusad. Ganoon ang buhay, ang halos lahat ng taong nakikilala natin ay estasyon lamang, maaaring sabay naglakbay pero hindi para magtagpo hanggang dulo.