Si Chona ay isang ordinaryong dalaga pero puno ng ka-positibohan sa katawan ay mamasukan bilang "Executive Assistant" ng isang mayaman at binatang lalake na si Joaquin. Sa bawat araw na magkakasama sila, makikilala nya ng husto ang binata at sa di sinasadyang pagkakataon ay mahuhulog ang loob nito sa kanyang mabait na boss. Ang problema lamang ay hindi nya alam kung paano nya sasabihin dito na nagkakagusto na sya at ano kaya ang posibleng mangyari o maging reaksyon ni Joaquin kung sabihin ni Chona ang kanyang nararamdaman? Maibabalik kaya ni Joaquin ang pagtingin na ito kay Chona? Handa ba si Chona na harapin ang mga maaring tumutol sa magiging relasyon nila dahil langit at lupa ang estado ng kanilang mga buhay? Ang "Di Sinasadya" ay kwento ng pag-ibig. Isang pagpapatunay sa kasabihang "Kapag ang pag-ibig ay pumasok sa puso ng sinuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang."
8 parts